Bawal na Gamot
BAWAL NA GAMOT
Ang bawal na gamot ay ipinagbabawal ito dahil sa nakakaapekto ito sa isip at katawan ng isang tao, at maari ding pareho. Maraming dahilan kung bakit ay tao ay gumagamit ng droga o ang ipinagbabawal na gamot.Ang paggamit ng bawal na gamot ay magdudulot ng iba't ibang problema tulad ng:
Problema sa Eskuwela
Problema sa Pera
Problema sa Relasyon
Problema sa Trabaho o hanap buhay
Problema sa kanilang Pamilya o Tahanan at iba pa.
Dito sa Pilipinas ay mahigpit ang pagbebenta o paggamit ng ipinagbabawal na gamot.Ito ay may kaparusahang panghabangbuhay na pagkakakulong at mayroon din itong multa na dapat mong bayarin.Kahit anong higpit nito ay marami pa ring gumagamit nito.Marami nang menorde edad na mga kabataan ngayon ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nalulong na sa paggamit ng droga o ang ipinagbabawal na gamot.Kailangan itong masusing pagsubaybay ng mga magulang at bigyang pansin ang mga bagay para madaling mapigilan at maiwasan para sa kapakanan ng kanilang mga anak o pamilya.Kung hahayaan lang na natin ito, malaking puwerhisyo sa kanilang buhay.Ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaring matutong magnakaw, magsinungaling, pwede kanyang saktan kahit sino ka pa kahit magulang o anak mo siya.Kaya simulan mo nang magbago at gawin ang tama, gumawa ka nalang ng mga bagay na maka katulong sa iyong pamilya upang mabigyan mo sila ng magandang buhay hindi sa mga bagay na walang kwenta.
Sa mga taong gumagamit parin ng ipinagbabawal na gamot.........
HOY!!!!!!!!!GISING!!!!!!!!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento